1–2 minutes

Dapit-hapon ng October 24, 2023. Matagumpay na nasawata ng 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗣𝘂𝗹𝗶𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗵𝗽 𝟵𝟯𝟬,𝟮𝟰𝟬.𝟬𝟬 halaga ng shabu sa magkahiwalay na malawakang buy-bust operations ng mga operatiba ng Lucena at Lopez PNP.

Sa operasyong inilatag, nakumpiska ng mga tauhan ng Lucena PNP-DEU ang humigit kumulang 20.60 gramo ng shabu sa isang lalaking tulak at kinilalang High-Value Individual (HVI) drug suspect sa Lucena City. Samantala, samsam din sa isa pang tulak na Street Level Indiviual (SLI) ang 25 gramo ng droga sa buy-bust operation ng Lopez DET.

Kinilala ni 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲, 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗣𝗖𝗢𝗟 𝗟𝗘𝗗𝗢𝗡 𝗗 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗘 ang HVI suspek na naaresto ng Lucena DEU na si alyas Owel/Datu, male, 43 taong gulang na nasamsaman ng ilegal na drogang may halaga na Php 420,240.00. Gayundin naman, sa kinilalang nahuli na (SLI) drug suspect ng Lopez DET, alyas Dorot, 61 taong-gulang; siya ‘y nakumpiskahan naman ng halagang Php510,000.00 na ilegal na droga sa isinagawang transaksyon.

Ang mga nasabing suspek ay papatawan ng kasong sa paglabag sa Section 5 and Sec 11, Art ll ng RA 9165 o Dangerous Drug Act of 2002.

“Malaking ambag ang naidudulot nito upang mawakasan ang tuluyang paglaganap ng droga sa ating lalawigan. Hindi nahihinto ang Quezon Police para mahuli ang mga taong nagbabalak sumira sa kinabukasan at pag-unlad ng ating kababayan lalo na sa kaligtasan at kaayusan ng ating bayan.” 𝗮𝗻𝗶 𝗻𝗶 𝗣𝗖𝗢𝗟 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗘. ###

𝗦𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲: 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗣𝗡𝗣-𝗣𝗜𝗢

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect
#TeamPNPKakampiMo
#TeamPNPCALABARZON




Contact #: 09171180238



October 2023
S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending