1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang tatlo (3) katao matapos lumabag sa Omnibus Election Code Liquor Ban sa Pila Laguna.

Kinilala ni Police Colonel HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas Joey, Marvin, at Jeric, pawang mga residente ng Pila, Laguna.

Sa ulat ni PMAJ ABELARDO D JARABEJO III, hepe ng Pila Municipal Police Station, habang nagpapatrolya ang kapulisan dakong 1:58 ng umaga Oktubre 29 taong kasalukuyan ay namataan nila ang tatlong kalalakihan habang umiinom ng alak. kanilang sinaway ito dahil nilalabag nila ang Omnibus Election Code Liquor Ban. Subalit hindi nakinig ang mga ito na naging dahilan ng kanilang pagkakaaresto.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Pila MPS ang mga suspek habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa reklamo laban sa kanila na paglabag sa Sec. 261 of the Omnibus Election Code (Liquor Ban) at Disobedience to person in authority.

Sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR “Pinapaalalahanan ko ang ating mga kababayan na sundin ang mga patakaran ngayong eleksyon upang maisagawa natin ng maayos at payapa ang BSKE 2023. Ito ay babala din sa ating mga kababayan na iwasan lahat ng ipinagbabawal ngayong halalan upang makaiwas din sa pagkakaroon ng kaso at pagkakakulong.” #gtgilao
#SerbisyongTamaAtNagkakaisa
#ToServeandProtect




Contact #: 09171180238



October 2023
S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending