By: BONG RIVERA

//

1–2 minutes

QUEZON-IPINATUPAD na ng Quezon Highway Patrol Group sa pangunguna ni Quezon HPG-PHPT Provincial Officer PMAJ Jonathan Victor Olbeña at sa superbisyon ni RHPU 4A RC PCOL Rommel C Estolano ang random inspection ng mga pampasaherong bus na naglalakbay galing ng kalakhang Maynila patungong Southern Luzon (Vice Versa),pinapara ang mga bus sa boundary ng Laguna at Quezon at umaakyat sa loob ng bus ang mga pulis upang matiyak na ang bawat pasahero ay walang dala dalang iligal na armas,nagbunsod ang ginagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad hinggil sa pangyayaring pamamaril sa loob ng bus kamakailan sa Caranglan Nueva Ecija na ang naging biktima ng pamamaril ay ang maglive-in partner na walang awang pinagbabaril hanggang sa mamatay ng dalawang gunmen.

Maging ang mga bus Terminal sa lalawigan ng Quezon ay nagsagawa din ang HPG kasama ang lokal na pulis ng random inspection at isinagawa din ng HPG ang paglalagay ng mga Safety Reminder Stickers with RHPU 4A Hotline sa bawat bus inilagay at idinikit ito sa parteng unahan ng bus upang masiguro na makita ng bawat pasahero.

Tiniyak naman ni MAJ Olbeña na walang malalabag sa karapatang pantao ang mga pasahero sa ginagawa nilang random inspection dahil anya hindi naman nila kinakapkapan ang bawat pasahero kundi ipinakikita lang nila ang pagiging visible ng mga pulis sa bawat kalsada na dinadaanan ng pampasehong bus at kanilang kinakausap ang mga pasahero na maging vigilant sa lahat ng oras habang sila ay naglalakbay kung kaya makakatulong ang kanilang inilalagay at idinidikit na stickers hotline at ipinapamahaging flyers sa bawat pasahero na may numero ng pulisya upang sa gayon ay madali silang makakatawag at makakahingi ng tulong sa mga awtoridad kung may nangyayaring hindi maganda sa loob ng bus habang sila ay naglalakbay,maging ang conductor at driver ay dapat din daw na mapagmatyag sa bawat paseherong kanilang isinasakay.




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending