by: BONG RIVERA                    

****                       

2–3 minutes



QUEZON-Inaresto ang walong pulis na miyembro ng Lucena PNP CCPS Intel Operatives ng kanilang kabaro matapos iligal na pasukin ang isang bahay sa may Purok Masagana Brgy.Ransohan,Lucena City kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na pulis na sina PCAPT Aaron Agbaya Herrera, PSMS Richie Ledesma Yuayan, PSSg Henry Mascariña Mago, PCpl Rainier Reyes Zaballa,PCpl Allan Daluz Abdon, PCpl Wilson Peñaverde Bantilan, PCpl Rene John Martinez Bartolata, PSSg Junar Cabuyao Cabalsa.

Base sa salaysay ng biktimang si Renelyn Torres Rianzales, 52 anyos kasama si Armando Cubos Paderon dakong alas 3:15 ng madaling araw ng iligal na pasukin ng mga pulis na armado ng baril ang kanilang bahay sinigawan siya tinutukan ng baril at pinagbantaan.

Nagsaliksik at nagpabalik balik di umano ang mga pulis sa loob ng kanilang bahay at hinahanap ang kanyang asawa.

Matatandaang si Rianzales ay kasalukuyang tumitestigo sa dinidinig na Congressional Inquiry na pinangungunahan nila Cong.Dan Fernandez at Deputy Speaker Cong. David “Jayjay” Suarez hinggil sa naganap na karahasan, kaguluhan at pananakot sa barangay Ransohan noong nakaraang 2023 BSKE eleksyon.

Agad na nakahingi ng tulong at nakapagsuplong ang ginang sa Lucena Component City Police Station at sa tulong ni PLTCOL Reynaldo Reyes hepe ng pulisya at mga tauhan nito ay naaresto ang mga suspek na pulis.

Kasalukuyang nakakulong sa Lucena PNP Jail ang walong pulis at nakatakdang sampahan ng mga kasong Violation of Domicile, Grave Threats, at Unjust Vixation.

Samantala agad namang pinatawan ng Administrative Relieve at sinibak sa pwesto si PLTCOL Reyes dahil umano sa Command Responsibility at agad na ipinalit si PLTCOL William Angway bilang OIC Chief of Police.

DREAMSTAR TV

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

May 2024
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending