by: Edjun Mariposque

                ****                           

2–3 minutes



Silang, Cavite – Halos apat na libong piso at limang kilong bigasl tinanggap na tulong pinansiya ng mga Barangay Health Workers (BHW) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) mula kay Senator Francis Tolentino at ng Provincial Government ng Cavite sa isang seremonya na ginanap sa Cavite State University-Silang Campus ngayong Hulyo 19, 2024.

Ayon kay Senator Francis Tolentino, nararapat lamang na tumanggap ng tulong ang mga BHW at BNS dahil sila ang pangunahing tagapangalaga ng kalusugan sa barangay na tumutulong sa Department of Health (DOH) sa pag-monitor ng kalusugan ng mga residente. “Napakalaking sakripisyo ang ibinabahagi nila upang makuha ang tamang datos dahil danas ko din yan noong ako ay mayor ng Tagaytay. Minsan, gabing-gabi na ay nasa mga sitio pa ang mga yan dahil dapat matapos ang kanilang trabaho,” sabi ni Tolentino.

Pinasalamatan ni Tolentino ang mga dumalo sa okasyon, kabilang sina Governor Jonvic Remulla, Senator Tito Sotto, at Agimat Partylist Representative Bryan Revilla. Pinuri din niya si Bong Revilla, na bagamat hindi nakadalo, ay patuloy na sumusuporta sa mga Caviteño.

Nagbigay din ng pahayag si Governor Jonvic Remulla at nagpasalamat kay Senator Tolentino para sa kanyang patuloy na suporta sa mga taga-Cavite. “Malapit talaga sa puso ni Senator Tolentino ang mga taga-Cavite palibhasa siya ay aming kababayan at alam niya ang kakulangan ng mga BNS at BHW’s bilang dating alkalde ng lungsod ng Tagaytay,” ani Governor Remulla.

Nagbahagi rin ng mensahe ng pasasalamat sina Senator Tito Sotto at Agimat Partylist Representative Bryan Revilla, na kapwa nagpahayag ng kanilang suporta at pasasalamat sa mga frontliners na patuloy na nagsisilbi sa kanilang komunidad.

#Edjun Mariposque

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

July 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending