by: BONG RIVERA                    

****                       

3–4 minutes

BATANGAS — Mahigit 14 na libong katao, kabilang ang mga turista at residente, ang dumagsa sa islang bayan ng Tingloy sa kasagsagan ng Semana Santa.

Base sa datos ng lokal na pamahalaan,umabot sa 9,437 na non-residents o turista ang pumunta sa isla, habang tinatayang 5,000 residente naman ang dumating mula Miyerkules Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay.

Noong Huwebes Santo, naitala ang pinakamataas na bilang ng pagdating 4,220 turista at 3,500 residente.

Sinundan ito ng 2,380 turista at 1,500 residente noong Biyernes Santo, at 2,389 turista noong Sabado de Gloria.

Pagsapit ng Linggo ng Pagkabuhay, 448 turista na lamang ang naitalang dumating kasabay ng pag-uwi ng libu-libong bakasyunista, kung saan mahigit 3,400 pasahero ang nakaalis ng isla pagsapit ng gabi.

Pinakadinagsa ng mga turista ang sikat na Masasa Beach, pati na ang mga barangay ng San Juan, Papaya, Maricaban, at Macawayan.

Ayon sa pamahalaang local nagsimula pa lamang ng Miyerkules Santo ay nakapagtala na agad ng humigit-kumulang 1,000 turista, habang inaasahang aabot sa 6,000 biyahero ang bumiyahe sa Huwebes Santo mula sa Anilao Port dahilan upang maging fully booked ang mga accommodation at biyahe.

Dahil sa dagsa ng tao, nagpatupad ng mahigpit na regulasyon ang lokal na pamahalaan na wala nang walk-in tourists kung walang booking sa accommodation,  Cut-off sa day tour simula tanghali ng Huwebes Santo at First come, first served policy sa mga biyahe alinsunod sa patakaran ng Maritime Industry Authority (MARINA)
Prayoridad naman sa biyahe ang PWD, buntis, at senior citizens

Mula alas-5 ng umaga ay tuloy-tuloy ang biyahe ng mga bangka at lantsa, at umaabot hanggang gabi depende sa dami ng pasahero.

Nagkaroon din ng ilang pagkaantala  at  pila sa mga  biyahe dahil sa dami ng mga gustong makapasok sa isla.

Sa pagdating sa Tingloy Port, mahigpit ding ipinatupad ang tourism logging system, kung saan kailangang magparehistro ang bawat grupo upang matiyak ang maayos na monitoring at kaligtasan ng mga turista.

Naglatag din ng mga designated areas tulad ng food stalls, parking, loading at unloading zones, at libreng pasilidad gaya ng palikuran at inuming tubig para sa mga biyahero.

Sa kabila ng dagsa ng tao, naging maayos, ligtas, at organisado ang paggunita ng Semana Santa sa isla, patunay ng koordinasyon ng lokal na pamahalaan, mga ahensya ng gobyerno, at komunidad kabilang ang pulisya, coast guard, bumbero, at mga volunteer groups.

Sa ngayon, patuloy na kinikilala ang Tingloy bilang isa sa mga umuusbong na pangunahing tourist destination sa Batangas at buong CALABARZON.

#BongRivera

#EdjunMariposque

DREAMSTAR TV

🏥 PANHERO ANG TAMANG LANDAS DRUG REHABILITATION AND TREATMENT CENTER 🏥

DOH Accredited: 4A-003-2325-DR-2
📍 Sta. Rosa-Tagaytay Road, Brgy. Lumil, Silang, Cavite

At the Panhero Tamang Landas Rehabilitation Center, we are not just a rehabilitation center. In addition to prioritizing improvement and recovery, we also emphasize the value of education. We are now offering ALS and TESDA short courses for our patients to pursue, whether they are currently at the center or after completing their required stay for recovery.

TOP REHABILITATION FACILITY
🏆 Gintong Parangal
🏆 Philippines Golden Eagle Awards
🏆 Asian Top Choice Awards

HIGHLIGHTS
✅ Air-conditioned Facility
✅ Admin Room
✅ Comfortable Bedrooms with 4 patients maximum per roof
✅ Clinic and Pharmacy
✅ Family Room for Engagements and Life Coaching

SERVICES
✔️ Individual Counseling Sessions
✔️ Group Therapy Sessions
✔️ Medication Assisted Treatment
(Manage withdrawal symptoms and reduce cravings)
✔️ Medical Exams and Laboratories (Complete package)
A. Physical Examination
B. X-ray, ECG, VDRL etc.
C. Drug Test
D. Drug Dependency Exam
✔️ Psychiatric and Psychological Evaluation
✔️ Family Therapy Sessions
✔️ Life Skills Training
✔️ Recreational Activities
✔️ Spiritual Program
✔️ Alternative Learning System (ALS) DEPED
✔️ Skills Training (TESDA Certificate)
✔️ Aftercare Program

24/7 CARE ASSISTANCE
🏥 Mental Care Treatment with Licensed/Accredited Professionals
🏥 Dental Care
🏥 Laboratory & Diagnostic Care
🏥 Pharmaceutical Care

AMENITIES & OTHER ACTIVITIES
🍿 Movie
👯 Zumba Session
🎹 Piano
🏋🏻‍♂️ Gym and Physical Fitness Equipment
🎱 Billiard and Pool table
🏓 Table Tennis Table
🏀 Basketball Court
🏐 Volleyball
🏸 Badminton
♟️ Board games
🎸 Drums and Guitars
🌿 Gardening

PAYMENTS
💳 Credit cards
💳 Grab Pay QR Code
💳 BDO Pay
💳 GCash
💳 Alipay
💳 Maya

CALL TO CONTACT
☎️ PLDT: (046) 889-8978
☎️ SMART: (0999) 990-9096
☎️ GLOBE: (0917) 539-8883

Start your recovery with us TODAY!






Contact #: 09171180238

April 2026
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending