Ni:Kevin Pamatmat
CAVINTI,LAGUNA- Kabi-kabila ang ang pagdiriwang ng Teachers Day sa buong bansa. Kanya kanya din paraan ng kanilang pagdaraos nito sa kanilang mga paaralan.

Kung kaya sa bahagi ng  Lumot National High School Cavinti Laguna. Ay may kaka-ibang tema ang ginawa ng miyembro ng Special Action Company ng SAF, sa pangunguna ni Camp Commander PCapt.Marlon H.Landong.

Ito ay ang kanilang pagbibigay ng pahalaga sa ating mga bayaning guro. Ang pagbibigay nila ng bulaklak na Rose, hinarana din nila ito at kabilang ang magkaroon ng palaro upang maibsan ang kanilang pagod.

Makaraan ang programa ay inilatag na ang pagkain sa mahabang lamesa upang doon sila mag boodle fight.

Nakakataba ng puso na makita ang ganitong paraan ng pagtanggap sa ating mga kaguruan na binibigyan ng higit na kalinga sa kabila ng kanilang mga pagpupuyat,pagtitiis, pagod at hirap.


Leave a comment

Trending