Ni:Kevin Pamatmat
Shekinah Joy Pamatmat

CALAMBA- Sa ika-56 na taong pagkakatatag ng Barangay Bagong Kalsada lunsod ng Calamba. Ay muling ipinagdiwang nito ang pinakatampok ng programa ay ang pinakamahabang Boodle Figth sa lalawigan ng Laguna.

Sa unang araw ay nagsagawa ng isang misa ,kasunod ang Barangay Assembly Day, SK Tagisan ng Talino, Cooking Ina, Zumba Party na isinagawa sa kanilang covered court.

Sa ika-7 ng Oktubre naman ay Bayle sa Kalye, habang ang pinakatampok nga ay ang pinakakaabangan ng mga mamamayan ay ang Boodle Fight na may habang 200 metro.

Umabot naman ng humigit kumulang ang 3,000 residente at may mga dumayo pa ang kabilang na kumain sa pinaka-mahabang boodle fight na inilatag sa kanilang kalsada.

Ayon kay Brgy. Chairman Clemente “Boy” Manato naitatag ang Brgy.Bagong Kalsada noon ika-6 ng Oktubre taong 1966. Dagdag pa niya labis ang kanyang pasasalamat sa kanyang buong mamamayan dahil sa tuwing magkakaroon ng ganitong programa ay lahat sila ay nakikiisa.


Leave a comment

Trending