Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang indibidwal sa Buy bust Operation ng Sta Rosa PNP kahapon Oktubre 11, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang suspek na si John Martin Abardo Ipil residente ng Sta Rosa City Laguna.

Sa ulat ng Sta Rosa City Police Station nagsagawa sila ng buy bust operation sa ganap 11:23 ng gabi Oktubre 11, 2022 sa Villa Sta Rosa, Brgy. Caingin, Sta Rosa City, Laguna na nagresulta sa pagka aresto ng suspek matapos magbenta sa poseur buyer ng hinihinalag illegal na droga kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong (3) piraso ng plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang dried leaves and fruiting tops of cannabis sativa o marijuana na may timbang na aabot sa 9.00 grams na tinatayang nagkakahalagang Php 1020. 00, dalwang (2) piraso ng Php 100.00-peso bill ginamit na buy-bust money at (2) piraso ng Php 100.00-peso bill.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta Rosa CPS ang naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ibidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang mga suspek sa kasong R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang mga nagbebenta at gumagamit ng mga ipinagbabawal na droga ay isang sagabal sa pagiging tahimik ng isang lugar kaya makakaasa po kayo. Napapaigtingin pa ng Laguna pulis ang pagsasagawa ng mga operasyon kontra droga para sa isang ligtas at tahimik ng Lalawigan ng Laguna.”#gtgtalampas

LifeIsBeautiful

KaligtasanNyoSagotKo

TulongTulongTayo

MKKequalsK

PNPKakampiMo

pnp4a






Leave a comment

Trending