Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang Street Level Individual (SLI) sa isinagawang Buy bust Operation ng Calamba PNP kahapon Oktubre 17, 2022.


Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang suspek na si Romel Alcala Dayao residente ng Calamba City Laguna.

Sa ulat ng Calamba City Police Station nagkasa sila ng buy-bust operation kahapon Oktubre 17, 2022 na nagresulta sa pagkaaresto ng nsabing suspek sa ganap na 6:34 ng gabi sa Elepaño 1, Brgy. 3, Calamba City, Laguna matapos matagumpay na makabili ng hinihinalag illegal na droga ang mga kapulisan na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Kumpiskado sa suspek ang limang (5) pirasong plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na aabot sa 2.2 gramo tinatayang nagkakahalagang Php 14,960.00, isang (1) coin purse, isang (1) piraso Php 500.00 pesos ginamit na buy-bust money at iba pang suspected drug money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ibidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang mga suspek sa kasong R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang mga inpormasyong ibinibigay ng ating pamayanan ang isang malaking susi sa pagkaka aresto ng mga taong sangkot sa illegal na droga. Ang inyung pakikipag-tulungan ay tungo sa kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng Lalalawigan ng Laguna.”#gtgtalampas

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending