LAGUNA – Upang mapangalagaan ang seguridad ng bawat manglalakbay sa buong laguna. Magsasagawa ng isang Task Force Biyaheng Ligtas sa nalalapit na Undas. Ang pamunuan ng Land Transportation Office sa pangunguna ni Mam Teodora Diaz Aguirre.


Aniya ang Task Force Biyaheng Ligtas ngayon Undas ay katuwang ang Department of Interior and Local Government.DILG. Sa pagpapatupad nito upang mapangalagaan ang mga kababayan natin magtutungo sa kanilang mahal sa buhay na yumao.


Kung kaya panawagan ng tanggapan ng L.T.O Sta.Cruz District Office sa mga may sasakyan ay panatilihing dala ang kanilang mga dokumento. Upang hindi na sila maabala sa kanilang patutunguhan.


Dagdag pa ni Aguirre sa tuwing magsasagawa sila ng operasyon ay tanging mga violators ay walang kaukulang lisensya, hindi umano dala ang rehistro ng kanilang mga sasakyan. At nakakaligtaan na isuot ang kanilang mga seatbelt.


Samantalang nakatakdang isagawa ang Task Force Biyaheng Ligtas bago pa man sumapit ang araw ng Undas.(Kevin Pamatmat/Shekinah Joy Pamatmat)





Leave a comment

Trending