Ni: Kevin Pamatmat


Liliw, Laguna – Inanod ng napakalakas na agos ng tubig sa ilog, ang dalawang taon pa lamang na footbridges ng Barangay Bayate ng bayan dahil sa bagyong Paeng.

Kung kaya kanya-kanyang paraan para makatawid lamang sa kanilang tahanan. Nandyan ang paglusong sa ilog makauwi lamang sa kanilang bahay.

Ang iba naman gamit ang lubid sa maihatid lamang ang kanilang mga pagkain at inaning gulay patungo sa pamilihan.

Dahil dito ay nagsagawa ang Sangunian Barangay ng isang Bayanihan. Upang makagawa ng pansamantalang kahoy na tulay.

Nagtulong-tulong ang mahigit 50 katao (residente) sa lugar upang maisakatuparan ito.

Ang kalalakihan ay ang nagbuhat ng troso at mga kababaihan ang naghanda ng makakain na pinagsalu-salohan.

Ang bumagsak na puno ng niyog kanilang hinila patungo sa ilog gamit ang mga naputol ding mga saging na inilalagay sa ilalim ng malaking puno na kanila itong pinapagulong ng sa gayon ay makabawas sa bigat nito.

Nang makarating na sa ilog ay pinagtulungang maipatong ang puno sa naiwang inanod na haligi ng dating footbridge na 20 metro lang ang layo sa kasisira pa lamang na tulay ni Paeng.

Ang naitayong tulay ay agad na ginamit na ng mga residente sa pagtawid lalu na ng kanilang mga kalakal tungo sa pamilihanng bayan







Leave a comment

Trending