Ipinakita ni Laguna Police Provincial Office, Provincial Director, Police Colonel Randy Glenn G Silvio, ang isang linggong accomplishments ng Laguna PPO laban sa illegal na droga at illegal na sugal kasama rin ang loose firearms at mga naarestong wanted persons sa buong lalawigan ng Laguna.

Ayon kay PCOL SILVIO ang mga nagawa ng Laguna PNP sa isang linggo simula Nobyembre 1-6, 2022 ay matagumpay na naisagawa at naipatupad sa pamamagitan ng aktibong suporta ng mamayan ng Laguna.

Sa nakalipas na isang lingo ay nagsagawa ang Laguna PNP ng Anti-illegal Drugs Buy bust Operation, Anti-illegal gambling Operation, Manhunt Operation at Loose Firearms Operation.

Sa anti-illegal drugs buy bust operation nagsagawa ang Laguna PNP ng fourty (40) na operation at nakapag aresto ng fifty eight (58) na indibidwal at nakumpiska nila sa mga naaresto ang hinihinalang illegal na shabu na may timbang na aabot sa 22.32 gramo at marijuana na may timbang na 34.39 na gramo na may halagang Php 166,690 pesos.

Sa anti-illegal gambling operation ng Laguna PNP ay nakapagtala sila ng fourty three (43) na operation at nakapag aresto ng twenty six (26) na indibidwal at umabot naman sa Php 32,128 ang nakumpiskang pera.

Sa manhunt operation na isinagawa ng Laguna PNP ay nakapag aresto sila ng twelve (12) most wanted person at twenty seven (27) na other wanted person na may kabuuang naaresto na thirty nine (39) na individual kabilang si Randolph Villanueva Bitong na most wanted person regional level sa kasong Qualified Statutory Rape (3 counts), Qualified Rape Through Sexual Assault (3 counts), Acts of Lasciviousness, at sa kampanya naman sa loose firearms nakapag kumpiska tayo ng dalawa (2) na loose firearms sa isanagawang dalawang (2) operation.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang Laguna PNP ay seryoso sa pagsugpo sa lahat ng illegal na gawain dito sa lalawigan ng Laguna upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan tungo sa kaunlaran ng mamayang ng Laguna.#gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending