Arestado ang isang lalaki sa kasong paglabag sa RA 9165 sa paghahain ng Search Warrant ng Sto Tomas City Police Station nito lamang Biyernes, Nobyembre 11, 2022.


Sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director PCOL PEDRO D SOLIBA kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, kinilala ang suspek na si Ryan Flores y Maldia, (HVI Listed Drug Personality) 41 taong gulang, may-asawa, kitchen head, at nakatira sa Barangay San Rafael, Sto. Tomas City, Batangas.


Ayon pa kay PCOL SOLIBA, bandang alas-9:00 ng gabi sa nasabing Barangay naghain ng Warrant of Arrest ang mga tauhan ng nasabing police station sa bahay ng suspek para sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 na inilabas ng Regional Trial Court Branch 83, Fouth Judicial Region, Tanauan City, Batangas noong Nobyembre 3, 2022.


Nakumpiska kay Flores ang anim (6) small size heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang apat (4) gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php 27,200; apat (4) piraso ng aluminum foil strips; isa (1) piraso ng improvise glass tooter; isa (1) maliit na pitaka; isa (1) piraso na small scale weighing, bagamat walang nakuhang baril sa kanyang pagiingat. Mahaharap pa rin ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


“Ang ating kapulisan ay patuloy na magsasagawa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga na matagal na nating problema hindi lamang sa ating lugar kundi sa buong bansa. Kami ay nagpapasalamat sa ating mga magigiting na pulis para sa kanilang mga pagsisikap at maging bahagi sa tagumpay.” PCOL SOLIBA //piobatangasppo //TeamPIO





Leave a comment

Trending