Pormal nang binuksan sa publiko ang Pasko sa Calamba 2022 ngayong Martes November 15, 2022 na may temang “Paskong Calambago Handog ay Saya at Pag Asa sa bawat Calambeño.”

Sinimulan ang programa sa isang salbo ng mga estudyante sa Calamba City School for the Arts kung saan ay ipinakita ang sigla at saya dahil sa nakalipas na dalawang taon ay hindi nagkaroon ng ganitong selebrasyon dahil sa pandemya.

Nakiisa din ang ibat-ibang ahensya at tanggapan ng Pamahalaang Lungsod, Calamba PNP sa pamumuno ni PLTCOL Milany Martirez, Calamba Bureau of Fire Protection sa pamumuno ni FCINSP Alexander Dale Baena, mga barangay official at mga Non Government Organizations (NGO’s).

Pinangunahan ni Mayor Roseller Rizal, Vice Mayor Angelito Lazaro, Calamba City Lone District Rep. Charisse Ann Hernandez-Alcantara at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang pagbubukas ng Calamba Bazaar 2022 kung saan ay may ibat-ibang pagkain ang mabibili, mga damit at ang pinaka hinihintay ng karamihan ang makukulay na pailaw.

Sa mensahe naman ni Roseller H. Rizal, ang pagpapailaw ng mga Christmas display ay nagsisilbing simbolo ng pag-asa, kasaganaan, kasiyahan, at pagbangon ngayong Kapaskuhan matapos ang dalawang taong pandemya. Dagdag pa ni Mayor Rizal, sama-sama ulit at magsikap na maramdaman ng mga Calambeño na makabangon ang lahat mula sa epekto ng pandemya, magkaroon ng kasaganaan at kaligayahan. Pinasalamatan nito ang lahat sa patuloy na suporta mula kay Vice Mayor Angelito Totie Lazaro, Congw. Charisse Anne Hernadez-Alcantara, Sangguniang Panlungsod at sa lahat ng kawani ng Calamba City hall.

Nangako si Mayor Rizal sa pantay pantay na pagbibigay ng pamaskong ayuda sa lahat ng pamilyang Calambeño. “Lahat ay ating bibigyan mahirap man o mayaman at walang lalakdawang bahay.” Wika ni Mayor Rizal. Magkakaroon din ng pagkakataon ang sampung pamilyang Calambeño na maka kain sa mga restaurant sa Calamba upang mabigyan ng pagkakataon na magka sama sama sila at makatulong din sa restaurant na kanilang kakakainan.

Nagbigay din ng mensahe si Congw. Charisse Anne Hernandez-Alcantara at Vice Mayor Angelito Lazaro Jr,. upang iparamdam sa Calambeño ang Calambagong Pasko sa lahat at ang pagbibigay saya sa bawat Calambeño.

Matapos ang pag-iilaw ng Christmas Tree at makulay na Fireworks display, pormal namang binuksan ang Christmas village show kung saan bida ang life-sized at animatronic na Belen na naglalarawan ng tunay na diwa at mensahe ng Kapaskuhan.

Pormal na ding pinailawan ang Christmas Tree sa Calamba City Plaza. (Joel Cabactulan)/(Edjun)





Leave a comment

Trending