Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang (2) personalidad sa ikinasang buy-bust Operation ng Calamba CPS kahapon Nobyembre 14, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na si alyas Louie at alyas Leomar pawang mga residente ng Calamba City Laguna.

Ayon sa report ng Calamba City Police Station ay nagkasa sila ng anti-illegal drugs buy-bust operation sa ganap na 6:27 ng hapon ng Nobyembre 14, 2022 sa Purok 7, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna na nagresulta sa pagkaresto ng mga suspek matapos magsabwatan sa pagbenta ng hinihinalang illegal na droga sa poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat (4) na pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga (shabu) na may timbang ng 1gramo at nagkakahalaga ng Php 6,800, isang (1) pirasong coin purse, Php 500 buy-bust money at Php200 suspected illegal drug money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ibidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang mga suspek sa kasong R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang tagumpay na laban ng Laguna PNP sa iligal na droga ay dahil sa patuloy na pakikipagtulungan ng ating pamayanan para sa masmabilis ng pagkahuli sa mga drug personalities. #gtgtalampas

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
|#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a

https://www.facebook.com/piolagunappo/posts/506910314813861





Leave a comment

Trending