Napakasipag ng isang PWD na si Rolly Cuenco na nagtitinda nang mamataan ni Pandemic Hero Nancy Dimaranan sa kanto ng Letran sa Calamba City, Laguna.

At dahil dito ay agad niyang nilapitan at kinausap. Nagbebenta siya ng sukang galing pa sa Bulacan kaya naman binilhan siya ni Ms. Nancy Dimaranan ng suka at binigyan ng P1,000.

Ibinigay niya ang sukli bilang tulong kay Rolly.

Sobrang saya at pasasalamat ni Rolly dahil anya mula pa umaga siya naghihintay na may bumili sa kanya ngunit kauna-unahan pa lamang si Pandemic Hero Nancy Dimaranan na bumili sa kanya at binigyan pa siya ng sobra sa kanyang presyo.

Patuloy lamang ang pagtulong ng tinaguriang Pandemic Hero ng Calamba kahit saan lugar.

Mapapansin natin na mas pinipili niyang tulungan ang mga hikahos sa buhay ngunit sobrang masigasis at masisikap.





Leave a comment

Trending