Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Rank no. 3 City Level Most Wanted Person sa Manhunt Operation ng Cabuayo CPS Nobyembre 15, 2022.


Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas John na nakatira sa Cabuyao City, Laguna.


Ayon sa ulat ng Cabuyao City Police Station nagsagawa sila ng manhunt operation sa ganap na 9:20 ng umaga Nobyembre 15, 2022 sa Brgy. Sala, Cabuyao City, Laguna nanagresulta sa pagka aresto ng akusado sa bisa ng warrant of arrest.


Ang akusado ay nahaharap sa kasong kriminal na Sec 11 Art II of RA 9165 or “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” na isinampa noong Nobyembre 14, 2022 na may nirerekomendang pyansa na aabot sa Php 200,000 na inisyu ng Regional Trial Court Branch.108, Cabuyao City, Laguna.


Ang akusado ay kasalukuyan nasa kustodiya ng Cabuyao CPS habang ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng akusado.


Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio ““Akin pong ikinararangal ang mga personnel na ito ng Laguna PNP para sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon sa pag ganap sa kanilang mga sinumpaang tungkulin upang tugisin at panagutin ang mga taong nagtatago sa batas.”#gtgtalampas





Leave a comment

Trending