Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang most wanted person Regional Level sa kinasang manhunt operation ng Calamba PNP kahapon Nobyemre 21, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas Jonathan residente ng Calamba City, Laguna.
Ayon sa report ng Calamba City Police Station nagsagawa sila ng manhunt operation kahapon Nobyembre 21, 2022 sa ganap na 11:30 ng umaga sa may Brgy. San Juan, Calamba City, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng akusado sa bisa ng warrant of arrest.

Nahaharap ang akusado sa kasong kriminal Sexual Assault (2 Counts), Acts of Lasciviousness (4 Counts) in relation Sec. 5 (B) to RA 7610 – Special Protection Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na isinampa noong Nobyembre 17, 2022 na may nirerekomendang pyansa na aabot sa Php 180,000 na inisyu ng Family Court Br. 8, Calamba City, Laguna.

Ang nasabing akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS habang ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng nasabing akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang tagumpay na pagkakahuli ng ating kapulisan ng Laguna sa CALABARZON Most Wanted Person ay sa tulong at suporta ng ating pamayanan. Makaasa ang ating mamamayan ng Laguna na magpapatuloy ang serbisyo ng Laguna PNP para sa kaayusan, kapayapaan tungu sa kaunlaran ng Lalawigan.”#gtgtalampas

LifeIsBeautiful

KaligtasanNyoSagotKo

TulongTulongTayo

MKKequalsK

PNPKakampiMo

pnp4a





Leave a comment

Trending