Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang personalidad sa isinagawang buy bust operation ng San Pedro PNP kaninang madaling araw.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Jerry na residente ng San pedro City, Laguna.

Ayon sa ulat ng San Pedro City Police Station nagkasa sila ng anti-illegal drugs buy bust operation kaninang madaling araw sa may Quezon St., Putol, Brgy. Cuyab, San Pedro City, Laguna na nagresulta sa pagka aresto ng suspek matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong (3) pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na 4 gramo at may katumbas na halagang humigit kumulang Php 27,600, isang (1) pirasong coin purse na naglalaman ng Php 500, narekober ng ang buy bust money sa supek.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pedro CPS ang naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang akusado sa kasong R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon sa pahayag ni PCOl Silvio “Patuloy ang aming operations laban sa iligal na droga at hinihimok po namin ang mga kababayan na ipagbigay alam sa kapulisan ang anumang iligal na gawain na kanilang nasasaksihan sa kanilang barangay.” #gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending