Dalawang lalaki ang inaresto sa Lian at Ibaan, Batangas matapos na makitaan ng baril sa dalawang magkahiwalay na operasyon na ikinasa araw ng Huwebes, Nobyembre 24, 2022.

Base sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director PCOL PEDRO D SOLIBA kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR., naaresto ang suspek na si Leonardo Malabanan Jr y Politico alyas” Dayo”, 48 taong gulang, magsasaka, at residente ng Sitio Bungahan Brgy. Balibago, Lian Batangas sa paghahain ng Search Warrant ng mga operatiba ng Lian Municipal Police Station dakong alas 7:55 ng umaga sa kanyang tahanan.

Nakumpiska mula kay Politico ang isang kalibre 45 na Ithaca Unico na may serial number 1846033, magazine at mga bala ng kaparehong kalibre.

Sa Barangay Poblacion, Ibaan, Batangas naman ay naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Ibaan Municipal Police Station dakong alas 9:00 ng gabi ang suspek na si Francisco Calaluan y Mangubat, 47 taong gulang, delivery boy at residente ng Brgy. Soro-Soro, Ibaba Batangas City kung saan nakumpiska mula rito ang isang pakete ng hinihinalang shabu, at iba pang drug paraphernalia.

Nakitaan rin ang suspek na si Calaluan ng isang kalibre 38 na baril at mga bala. Walang maipakitang dokumento ang nahuling suspek hinggil sa pagmamay-ari ng baril.

Ang dalawa ay nasa kustodiya ng mga naturang police station habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila.

“Tayo ay sumunod sa mga pinaiiral na batas. Iwaksi natin ang mga iligal dahil ito ay magdudulot lamang ng kapahamakan. Makakaasa ang publiko sa patuloy na pagsasagawa ng ating kapulisan ng mga operasyon kontra kriminalidad.” – PCOL SOLIBA piobatangasppo TeamPIO





Leave a comment

Trending