Sa mas pinalawak na kampanya ng Quezon Police Provincial Office kontra sa mga most wanted persons- walang kawala ang isang lalaking nagtatago sa batas at kinilalalang Most Wanted Person Rank number 2 Provincial Level na nahaharap sa kasong RAPE sa inilatag na operasyon ng CIDG Quezon kasama ang 405th RMFB 4A at Mulanay PNP sa Savemore Market Mezza, Aurora Blvd, Cor Gregorio Araneta Avenue, Quezon City ngayong araw, petsang November 29, 2022.

Ayon kay PCOL LEDON D MONTE, Probinsyal Direktor ng Quezon PPO, ganap na 10:30 ng umaga nang maaresto ang akusadong napagkilanlang si Ronnel Garcia Requillas, 24 y/o, na tubong Sitio Bongalon Brgy. Ibabang Yuni Mulana y, Quezon.

Naaresto si Ronnel sa bisa ng inilatag na Warrant of Arrest na may criminal case number CC#22-1005-CAT, isyu ni Hon. Michael E Vitto, Acting Presiding Judge, RTC Branch 96, Catanauan, Quezon na inilabas noong November 9, 2022 na kung saan nagpapataw ng rekomendasyong walang pagpipiyansa para sa pansamantalang kalayaan.

Batay sa naitalang imbestigasyon ng krimen, ang naturang akusado ay sekswal na inabuso ang biktima ngayon lamang taon buwan ng Hunyo sa nasasakupang lugar ng Bayang ng Mulanay, Quezon.

Ang matagumpay na pagkakaaresto kay Ronnel ay natala naman sa tulong Alternative recording device (ARD) at naangkupan ng tamang pagpapabatid ng karapatang pangkonstitusyon (Miranda Doctrine and Anti-Torture Warning) at kasalukuyang nasa pangangalaga ng CIDG Quezon PFU Custodial Facility para sa tamang dokumentasyon at proseso ng paglilitis.

Ang matagumpay na operasyong ito ay hango sa resulta ng isang pinaigting at kolaboratibong pakikipag-ugnayan sa pamahalaan at pamayanan sa pamamagitan ng Community Mobilization Programs (CMP) at validated reports mula sa Barangay Intelligence Network (BIN) ng mga kapulisan ng Quezon mula sa taong nakapagturo ng kinaroroonan ng suspek.

“Ang ating mga layunin at misyong panatalihin ang kapayapaan at kaayusan ng komunidad ng Quezon laban sa mga banta ng kriminalidad lalo’t higit sa pagsunsun ng mga taong tumatakas sa kanilang paglabag sa batas ay aming masusing sasagutin ng isang epektibo at maaasahang pulis serbisyo. Ang pagkakadakip kay Wendell na MWP na may kasong RAPE WITH HOMICIDE in rel to RA 7610 ay resulta nga nito, siya rin ay nararapat na magbayad sa kanyang krimeng ginawa at mahaharap ng ayon sa balangkas ng hustisya. Ang Quezon Pulis ay tuwirang patutupadin at palalawakin ang mga mandato buhat higher offices para kamtan at mapanatiling ligtas ang komunidad na kinabibilangan ng mga Quezonians. Hindi tayo mahihinto sa pagsusulong ng mga operasyong magdadala ng Kaunlaran batay sa ating pagtahak sa road map ng 7-Points Agenda na kaugnay sa MKK=K (Malasakit, Kapayapaan, Kaayusan = Kaunlaran) Peace and Order Framework.” Masidhi at tuwirang pahayag ni PCOL MONTE, Provincial Director ng Quezon PPO### pioquezon





Leave a comment

Trending