Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang personalidad sa follow-up operation ng Cabuyao Pulis kahapon Nobyembre 30, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Dominic residente ng Cabuyao City, Laguna.

Ayon sa ulat ng Cabuyao City Police Station sa pamumuno ni PLTCOL Jack E Angog, Officer-In-Charge nagsagawa sila ng follow up operation hinggil sa tawag ng isang concern citizen kahapon Nobyembre 30, 2022 sa ganap na 9:20 ng gabe sa may Brgy Banlic, Cabuyao City, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek matapos maberipika ang laman ng bag neto na may Short Firearms.

Nakumpiska sa suspek ang isang (1) Unit TAURUS 9MM, isang (1) magazine, apat (4) na pirasong 9MM live ammunition.

Kasalukuyan nasa kustodiya ng Cabuyao City Police Station ang suspek at sasampahan ng kasong kriminal at paglabag sa RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Mas lalo pa naming papaigtingin ang aming operasyon kontra loose firearms kaya nais ko po na tayo ay magtulungan para mapanatili natin ang kayusan at kapayapaan dito sa lalawigan ng Laguna.” #gtgtalampas

LifeIsBeautiful

KaligtasanNyoSagotKo

TulongTulongTayo

MKKequalsK

PNPKakampiMo

pnp4a





Leave a comment

Trending