Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang snatcher ng cell phone sa follow up operation ng Pagsanjan pulis noong December 4, 2022

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Kevin residente ng Pagsanjan Laguna.

Sa ulat ni PMAJ SILVER SUSON CABANILLAS, Hepe ng Pagsanjan Municipal Police Station, nakita nila ang isang footage ng insidente ng snatching sa news feed ng kanilang facebook page. Matapos nilang mapanood ang nasabing insidente ay agaran silang nagsagawa ng imbistigasyon. Ayon sa report ng biktima, habang siya ay naghihintay ng masasakyan na pampasaherong jeepney dumaan ang isang motor lulan ang nasabing suspek at nilampasan muna ang biktima saka nagmanman sa paligid. Matapos makakuha ng pagkakataon ay agad pinatakbo ng mabilis ng suspek ang kaniyang mimanehong motorsiklo patungo sa bikitima na noon ay hawak ang kaniyang cell phone. Agad na hinablot ng suspek ang nasabing cell phone ng biktima at agad na tumakas papalayo. Agad na nagkasa ng follow up operation ang Pagsanjan pulis na nag resulta sa pagkakaaresto sa suspek at narekober sa kaniyang posesiyon ang isang (1) Real Me Cellphone na kulay Silver, isang (1) Black T-Shirt ng suspek at ang Skygo na motorsiklo na kulay itim at pula na siyang ginamit ng suspek.

Ang arestadong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Pagsanjan MPS habang inihahanda ang mga dokumento para sa isasampang kaukulang kaso.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang mabilis na aksyon ng ating mga kapulisan ay isang patunay na maasahan ang ating kapulisan dito sa Lalawigan ng Laguna. Gusto ko po paalalahanan ang ating mga kababayan sa mga ganitong insidente ay mag doble ingat po tayo lalo na ngayong papalapit ang kapaskuhan.”.#gtgtalampas

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending