Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang personalidad sa buy-bust operation ng Calamba pulis kahapon December 17, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas Oslog at Charls pawang residente ng Calamba City Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL MILANY ELPEDES MARTIREZ hepe ng Calamba City Police Station ay nagsagawa sila ng anti-illegal drugs buy bust operation ganap na 5:07 ng hapon December 17, 2022 sa Brgy. Looc, Calamba City, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek matapos magbenta ng ilegal na droga sa mga awtoridad na nagpanggap bilang police poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat (4) na pirasong plastic sachet ng hinihinalang ilegal na droga na may dalawang gramo na tinatayang may halagang Php 13,600.00 isang (1) pouch, isang (1) pirasong five hundred peso bill ginamit na pambili, apat (4) na piraso ng one hundred peso bill at dalwang (2) piraso fifty peso bill.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination nahaharap ang mga suspek sa kasong R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Patuloy po sa operasyon ang Laguna PNP laban sa ilegal na droga para maprotektahan ang mga pamilya ng bawat mamamayan ng mga taga Lalawigan ng Laguna lalong higit sa mga kabataan natin. ”. #gtgtalampas #LifeIsBeautiful #KaligtasanNyoSagotKo #TulongTulongTayo #MKKequalsK #PNPKakampiMo #pnp4a





Leave a comment

Trending