Naaresto ang Rank number 9 Most Wanted Person (Provincial Level) ng Batangas sa joint operation ng San Juan Municipal Police Station (MPS), 403rd RMFB4A at Provincial Intelligence Unit (PIU) Batangas, bandang 2:00 ng hapon, Disyembre 20, 2022 sa Barangay Escribano, San Juan, Batangas.

Sa report ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director PCOL PEDRO D SOLIBA kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR., nakilala ang suspek na si Richard Berania y Delizo alyas Bala, 35 taong gulang, walang-asawa, walang trabaho at residente ng Barangay Escribano, ng nasabing bayan.

Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 87, Rosario, Batangas noong July 4, 2022 sa kasong Homicide at may nirekomendang piyansa na Php 120,000.00.

Si Berania ay miyembro ng isa sa kilabot na Ronald Real Gun-for-Hire Group at siyang nasa likod ng pagpatay kay Jerry Manimtim y Delos Reyes, 40 taong gulang noong January 16, 2022 sa bahay nito sa nabanggit ding barangay. Ayon pa sa pulisya binaril ang biktima ng dalawang beses gamit ang isang kalibre 30 long rifle carbine at mabilis na tumakas ang suspek patungo sa Brgy Sico 1, San Juan, Batangas sakay ng kanyang motorsiklo.

“Makikita natin sa pamamagitan ng naturang accomplishment ang kahalagahan ng ating pinalakas at magandang relasyon sa komunidad, na binuo sa pamamagitan ng ating barangay information network at mga asset bilang bahagi ng ating intelligence operation. Sa pagkakaaresto sa suspek, mabibigyang hustisya ang kanyang mga naging biktima.” PCOL SOLIBA. #piobatangasppo #TeamPIO





Leave a comment

Trending