Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang personalidad sa buy-bust operation ng Calamba pulis kahapon December 26, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas Itik at Rizza pawang residente ng Calamba City Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL MILANY ELPEDES MARTIREZ hepe ng Calamba City Police Station ay nagsagawa sila ng anti-illegal drugs buy bust operation ganap na 5:12 ng hapon December 26, 2022 sa Brgy. Parian, Calamba City, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek matapos magbenta ng ilegal na droga sa mga awtoridad na nagpanggap bilang police poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang (5) pirasong plastic sachet ng hinihinalang ilegal na droga na may timbang na 1.5 gramo na tinatayang may halagang Php 10,200.00 isang (1) piece plastic canister isang (1) piraso coin purse, isang (1) piraso five hundred peso bill ginamit na pambili at dalawang (2) one hundred peso bill hinihinalang drug money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination nahaharap ang mga suspek sa kasong R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Paiigtingin pa po ng Laguna PNP ang mga operasyon kontra ilegal na droga sa buong Lalawigan ng Laguna. Ito po ginanawa ng Laguna Pulis para ma proteksyonan ang ating mga kakabayan sa dulot na panganib ng ipinagbabawal na gamot. ”. #gtgtalampas

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A







Leave a comment

Trending