Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang personalidad sa buy-bust operation ng San Pablo PNP kaninang madaling araw.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Rhovin residente ng Calamba City, Laguna.

Sa ulat ng San Pablo City Police Station sa pamumuno ni PLTCOL JOEWIE B LUCAS, hepe ng San Pablo CPS nagkasa sila ng anti-illegal drugs buy bust operation kaninang madaling araw sa may Patria Village Brgy Del Remedio, San Pablo City, Laguna na nagresulta sa pagkaresto ng akusado matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa suspek ang twenty-four (24) pirasong plastic sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may timbang na aabot sa 260 gramo at may tinatayang halaga na Php 72,000, isang (1) unit iphone 13, isang (1) unit Toyota Vios color red na may plakang DBA 8801, Php 500 pesos hinihinalang drug money at narekober din sa suspek ang buy bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pablo CPS ang naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination nahaharap ang suspek sa kasong R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Sa pahayag ni PCOL Silvio ““Hindi tumitigil ang ating mga kapulisan sa Laguna sa pagsasagaw ng mga operasyon kontra droga para sa isang mapayapa at tahimik na Lalawigan ng Laguna”. #gtgtalampas







Leave a comment

Trending