Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang apat personalidad sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Calamba PNP kahapon December 31, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas Jericho, Jassent, Liza at Asiong pawang mga residente ng Calamba City Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL MILANY ELPEDES MARTIREZ hepe ng Calamba City Police Station ay nagkasa sila ng magkahiwalay na anti-illegal drugs buy bust operation ganap na 5:46 ng hapon December 30, 2022 ay naaresto sila alyas Jericho atJassent sa Brgy. Parian, Calamba City, Laguna matapos magbenta ng ilegal na droga sa mga awtoridad na nagpanggap bilang police poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Kumpiskado sa mga nasbing suspek ang limang (5) pirasong plastic sachet ng hinihinalang ilegal na droga na may timbang na 1.1 gramo na tinatayang may halagang Php 7,480.00, isang (1) piraso ng five hundred peso bill ginamit na pambili isang (1) piraso cigarette pack at dalawang (2) one hundred peso bill.

Sa hiwalay na operasyon ng Calamba CPS kontra ilegal na droga ay arestado naman sila alyas Liza at Asiong matapos matagumpay na makabili ng hinihinalang ilegal droga ang mga awtoridad na nagpanggap bilang police poseur buyer kapalit ang buy bust money sa mga suspek.

Kumpiskado naman sakanila ang apat (4) pirasong plastic sachet ng hinihinalang ilegal na droga na may timbang na 1 gramo na tinatayang may halagang Php Php 6,800.00, isang (1) piraso ng five hundred peso bill ginamit na pambili isang (1) piraso ng pouch at tatlong (3) one hundred peso bill.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination nahaharap ang suspek sa kasong R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang kapulisan po ng Laguna ay hindi tumitigil sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra ilegal na droga na siyang sumisira sa buhay ng mga kabataan, pamilya at pamayanan. Makaka-asa po kayo na gagawin ang lahat ng makakaya ng Laguna PNP para manatili ang kaayosan at katahamikan dito sa Laguna.”. #gtgtalampas







Leave a comment

Trending