Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang Brgy Kagawad sa buy-bust operation ng Lumban pulis kahapon January 7, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Jun residente ng Lumban Laguna.|

Sa ulat ni PMAJ RUFFY L TADUYO hepe ng Lumban Police Station ay nagsagawa sila ng anti-illegal drugs buy bust operation ganap na 7:00 ng gabi January 7, 2023 sa Rizal St. Brgy. Maracta, Lumban, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek matapos magbenta ng ilegal na droga sa mga awtoridad na nagpanggap bilang police poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa suspek ang apat (4) na pirasong plastic sachet ng hinihinalang ilegal na droga, isang (1) coin purse, isang (1) piraso five hundred peso bill ginamit na pambili, dalawang (2) one hundred peso bill at dalawang (2) fifty peso bill na hinihinalang drug money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Lumban MPS ang naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination nahaharap ang mga suspek sa kasong R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio ““Hindi po titigil ang Laguna PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra droga laban sa mga gumagamit o nagbebenta ng pinagbabawal na gamot, maging ito man ay naglilingkod sa ating lalawigan”. #gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A







Leave a comment

Trending