Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang tatlong (3) suspek sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs buy bust operation ng Sta. Rosa pulis Enero 19, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas PJ, Day at Ronnel pawang mga residente ng Sta. Rosa City Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL PAULITO MACASA SABULAO, hepe ng Sta. Rosa CPS nagsagawa sila ng magkakahiwalay na anti-illegal drugs buy bust operation Enero 19, 2023 na nagresulta sa pagka aresto ng tatlong suspek matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa mga awtoridad na nagpanggap bilang police poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Arestado si alyas PJ ganap na 12:53 ng madaling araw Enero 19, 2023 sa Brgy.Tagapo, Sta Rosa City, Laguna kupiskado sakanya ang limang (5) pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na 0.18 gramo na may katumbas na halagang humigit kumulang Php 3,000.00, isang Php 500.00 peso bill ginamit na buy bust money tatlong (3) piraso ng one hundred (Php 100.00) peso bills hinihinalang drug money.

Samantala huli din si alyas Day ganap na 1:54 ng madaling araw Enero 19, 2023, sa Brgy. Pooc, Sta Rosa City, Laguna kupiskado naman sakanya ang tatlong (3) piraso plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na 0.12 gramo na may katumbas na halagang humigit kumulang Php 2,000.00 (2) piraso ng one hundred peso bills at isang (1) pirasong Php 500 peso bill ginamit na buy bust money.

Kabilang rin sa naaresto si alyas Ronnel nahuli siya ganap na 2:52 ng madaling araw Enero 19, 2023, sa Brgy. Labas, Sta Rosa City, Laguna matapos matagumpay na maisagawa ng mga awtoridad ang nasabing operasyon kumpiskado sakanaya ang talong (3) piraso plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang illegal na droga namay timbang na 0.15 gramo na may katumbas na halagang humigit kumulang Php 2,000.00, isang (1) piraso of Php 500.00-peso bill ginamit na buy bust money at tatlong (3) piraso one hundred (Php 100.00) peso bill hinihinalang drug money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Rosa CPS ang mga suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensiya ay isusumite sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang mga suspek sa kasong R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Sa patuloy na pakikipag tulungan ng ating mga kababayan ay matagumpay na naisasakatuparan ang mga operasyon kontra ilegal na droga”. #gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A







Leave a comment

Trending