ANTIPOLO | Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan na patuloy na makiisa sa pagpapanatili ng malinis at maayos na kapaligiran upang makamit ang inaasam na Clean and Green Antipolo City.

“Tulong-tulong po sana tayo sa pagpapanatili na malinis at maganda ang ating kapaligiran dahil para rin naman ito sa ating lahat. Maging disiplinado at responsable po tayo dahil kung tayo’y nagtutulungan, mas maraming problema ang ating masosolusyunan,” mensahe ng lokal na pamahalaan.

Ito ay alinsunod sa isinasagawang Vertical Garden Maintenance ng City Environment and Waste Management Office (CEWMO) sa iba’t ibang footbridges sa lungsod bilang bahagi ng kanilang Beautification Project.

Bilang resulta sa dedikasyon at pagsusulong sa proyekto ng tanggapan, buong pagmamalaking ibinahagi ng lokal na pamahalaan na nakamit ng lungsod ang ‘Best Maintained Elevators’ sa buong bansa.

Ilan sa mga vertical garden na matatagpuan sa lungsod ang Sumulong & Marcos Highway Intersection, Sumulong Highway, Circumferential Road, Cogeo Gate sa Barangay Bagong Nayon at Dela Paz Elementary School.

Sa ngayon, tuloy-tuloy lamang ang implementasyon ng mga programa ng CEWMO para sa mas ikagaganda at ika-uunlad ng lungsod. | via Jun-Andeng Ynares (PIA)







Leave a comment

Trending