Ipinagkaloob sa Calamba PNP ngayong araw, Pebrero 8, 2023 ang 7 sasakyan at apat na motorsiklo mula sa Local Government Unit ng Calamba City, Laguna sa pamumuno ni Mayor Roseller H. Rizal.

Sa kanyang mensahe, “Ito ay bahagi ng Calambagong program ng lungsod na gagamitin ng ating mga pulis sa serbisyo, na nagbibigay ng proteksyon sa lahat ng Calambeño.”

Dagdag pa niya, “Bahagi ito ng pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba, ng Calamba PNP upang mapanatiling ligtas at tahimik ang lungsod at isulong ang mga programang ipatutupad ng PNP at Calamba LGU at ito ay magpapatuloy dahil ang lungsod ay isang paglagong correigdor ng rehiyon kaya kailangan nating panatilihin itong ligtas, tahimik at progresibo.”

Ayon kay PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr, PNP Regional Director, “Tunay na kami ay nagpapasalamat sa lungsod ng Calamba sa pamumuno ni Mayor Roseller H. Rizal para sa donasyon na siyang pinakamalaki na natanggap ng PNP Region 4A ng mga sasakyan sa isang lungsod maging sa mga buong lalawigan.

Pinasalamatan niya si Mayor Ross Rizal sa tulong na ibinigay sa kanilang hanay at nangako siya na susuklian nila ang serbisyong ito sa pamamagitan ng pagtaas ng kaligtasan at katahimikan para sa buong lungsod. Sabay inanunsyo niya ang pagdaragdag ng mga pulis sa lungsod. Aniya, “As of the moment we have 207 police officers before it is only 187.” Nangako rin siyang magdadagdag ng 20 karagdagang pwersa sa malapit na hinaharap para tumulong sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.

Nangako rin si PCol Glenn Silvio, PNP Provincial Director ng patuloy na suporta sa Calamba sa pamamagitan ng patuloy na pagpapatupad ng kaayusan at katahimikan sa lungsod ng Calamba gayundin sa buong lalawigan.

Nagpasalamat din si Calamba PNP Chief Of Police LtCol. Milany E. Martirez kay Mayor Ross Rizal sa patuloy na pagsuporta sa mga programang pangkapayapaan at kaayusan. “Ang mga sasakyang ito mula sa ating Mayor Rizal ay magbibigay sa atin ng higit na inspirasyon na gawin at makikita sa lahat ng paligid ng lungsod.” Nagpasalamat din siya kay PBGen Nartatez, Pcol Silvio sa tiwala na pamunuan ang Calamba City PNP.







Leave a comment

Trending