Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang walong ( 8 ) empleyado ng Ramloid Corporation, sa kasong Qualified Theft kahapon Pebrero 8, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas Jonathan, Rodmark, Albert, Ariel at Mario, pawang mga empleyado ng STL Branch, Barangay Santo Angel Central Sta. Cruz Laguna, at sina alyas Reynald, Paul at Fritz na empleyado ng Ramloid Corporation, STL Branch, Brgy P. Burgos, Siniloan, Laguna.

Sa ulat ni PMaj Gabriel A Unay, hepe ng Santa Cruz MPS dumulog sa himpilan ng Santa Cruz MPS, ang complainant na si alyas Teodoro, Collector, STL Branch, Barangay Santo Angel Central Sta. Cruz Laguna, kahapon Pebrero 8, 2023 sa ganap ng 5:10 ng hapon kasama ang mga suspek para sampahan ng karampatang kaso sa insidente ng pagnanakaw ng winning bet money.

Ayon sa imbestigasyon, hindi ibinigay ni alyas Jonathan, (cashier ng STL) ang pera na dapat bayaran sa mga bettors na tumama sa STL winning number, bagkus ay hinati sa kanyang co-staff na sina Rodmark, Albert, Ariel at Mario na nagkakahalaga ng PHP 252, 000.00. Samantalang na recover naman sa mga suspek ang Php 100,000 na halaga ng winning bet money.

Sa ulat naman ni PMaj Clemente T Garcia, hepe ng Siniloan MPS dumulog sa kanilang himpilan si alyas Nestor Staff ng Ramloid Corporation para magsampa ng kaukulang reklamo sa mga naarestong suspek na sina alyas Reynald, Paul at Fritz.

Ayon sa imbestigasyon, habang nag-iimbentaryo ang complainant na si alyas Nestor, ay nahuli ang mga suspek na sina alyas Reynald, Paul at Fritz na kine-claim ang winning number at jackpot money na nagkakahalaga ng Php 356,800.00. Arestado ang mga suspek sa follow-up operation na ikinasa ng Siniloan PNP matapos ituro ng complainant.

Ayon sa pahayag ni PCol Silvio “Sa pakikipagtulungan ng ating mga kababayan mas nagiging matibay ang samahan ng Kumunidad at mamayanan sa pagpapatupad ng peace and order”. #gtgmayani

LifeIsBeautiful

KaligtasanNyoSagotKo

TulongTulongTayo

MKKequalsK

PNPKakampiMo







Leave a comment

Trending