Apat na street level na mga indibidwal ang naaresto sa iba’t ibang buybust operations ng mga operatiba ng Batangas City Police Station araw ng Linggo, Pebrero 12, 2023 sa Batangas City.

Sa ulat ni Batangas Police Provincial Office BPPO Provincial Director PCOL PEDRO D SOLIBA kay Police Reginal Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, unang naaresto ang suspek na si alyas Mitos, 28 taong gulang dakong ika-12:18 ng umaga at nakuha sa kanya ang nasa 1.22 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng nasa P8,418.00

Dakong ika-2:30 din ng umaga ay naaresto sa isa pang buybust operation ang mga suspek na sina alyas Jerome, 32 taong gulang at alyas Andy, 33 taong gulang. Nasamsam sa mga ito ang nasa 1.30 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng nasa P8,970.00.

Huli rin sa isinagawang buy-bust dakong ika-5:15 ng umaga ang suspek na si alyas Ejie, 33 taong gulang kung saan nakuha sa kanya ang isang pakete ng hinihinalang shabu at buybust money na P500.00.

“Panatilihin natin ang kaayusan at kapayapaan sa ating probinsya. Iwaksi ang iligal na droga at ano pa mang iligal na mga gawain. Makakasira lamang ito ng inyong buhay, pamilya, at mga kaibigan. Sumunod tayo sa batas upang matamasa ang tunay na kaunlaran.” – PCOL SOLIBA #piobatangasppo #TeamPIO







Leave a comment

Trending