Katuwang ang Batangas Medical Center, Provincial Blood Council sa probinsya ng Batangas, at Philippine Red Cross, isang “Mass Blood Donation” ang isinagawa sa Camp General Miguel C Malvar, Batangas City nitong Pebrero 16, 2023.

Ayon sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel PEDRO D SOLIBA kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR., nagsimula ang naturang blood donation ganap na ika-7:00 ng umaga at nagtapos sa ganap na ika-1:00 ng hapon.

Matapos ang aktibidad ay nakalikom ng nasa 130 bags ng dugo mula sa mga kapulisan at civilian donors na pumasa sa screening process na kinapapalooban ng medical interview and check-up, timbang, presyon ng dugo at oxygen level.

Naglalayong makapag-abot ng tulong at makapagligtas ng buhay ang PNP at mga katuwang nito na mga ahensya at stakeholders sa mga mamamayan na may malubhang sakit o karamdaman na nangangailangan ng dugo.

“Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa ating gawain na lubos na makakatulong sa ating kababayan. Ang inyong pakikiisa ay simpleng paraan upang mailigtas ang isang buhay at ito ay maghahatid ng positibong pagbabago sa kanilang buhay”. –PCOL SOLIBA
#piobatangasppo
#TeamPIO







Leave a comment

Trending