Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Most Wanted Person Regional Level sa kinasang manhunt operation ng San Pedro PNP kahapon Pebrero 19, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas Francis residente ng San Pedro City, Laguna.

Ayon sa ulat ni PLtCol ROLLY B LIEGEN, Hepe ng San Pedro CPS nagkasa sila ng manhunt operation kahapon Pebrero 19, 2023 sa ganap na 5:15 ng hapon sa may Brgy. San Antonio, San Pedro City, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng akusado sa bisa ng warrant of arrest.

Nahaharap ang akusado sa kasong kriminal na Rape na isinampa noong Pebrero 6, 2023 na walang nirerekomendang pyansa na inisyu ng Regional Trial Court Branch 275, Las Pinas City.

Kasalukuyan nasa kustodiya ng San Pedro CPS ang nasabing akusado samantalang iinpormahan naman ang pinagmulan ng warrant sa pagkahuli ng akusado.

Ayon sa pahayag ni PCol SILVIO “Sa tulong ng ating kumonidad sa pagbibigay impormasyon sa ating kapulisan mas napapabilis ang pagdakip sa mga nagtatago sa batas ito ang patunay na mas magiging maayos ang pagpapatupad ng peace and order dito sa lalawigan ng Laguna kung tayoy magtutulungan. #gtgmayani







Leave a comment

Trending