Lumagda ang Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) at China Road Bridge Corporation (CRBC) sa isang construction deal para tapusin ang pagbuo sa Phase 2 works ng CAVITEX C5 Link Segment 2.

Ang CAVITEX C5 Link Segment 2 ay isang 1.9 kilometer, 2×3 lane expressway na kukunekta sa CAVITEX R-1 (Coastal Rd.) mula Paranaque Toll Plaza patungo sa Sucat via R-1 Interchange. Oras na mabuksan ito, inaasahang aabot na lamang sa 10 minuto ang biyahe mula CAVITEX R-1 patungo sa Sucat Road at vice versa.

Dumalo sa signing ceremony ang mga kinatawan ng dalawang korporasyon na sina Mr. Raul L. Ignacio, President at General Manager ng CIC, at si Mr. Ren Xiaopeng, CRBC Philippine branch Manager. “The CAVITEX C5 Link is a vital segment of the Manila-Cavite Toll Expressway Project (MCTEP), so far, we managed to open 3.8-kilometer (Segment 3A1 and 3A2) to the motoring public, serving more than 16,000 vehicles daily. Still, we have a long way to go. This is something we cannot do alone, hence our search for a contractor that would be up for the task-delivering world-class quality infrastructure for our motorists within our timeline. We are glad that our new partner China Road and Bridge Corporation (CRBC) took on the challenge,” ani Mr. Raul L. Ignacio, President and General Manager of Cavitex Infrastructure Corporation.

Ang CRBC ay ang pioneer sa international engineering contracting market sa China. Sa nakalipas na 60 taon, patuloy ang construction company sa pagbuo at pagtayo ng mga tulay, highway, ports, tunnels, railways, municipal works, dredging, at airports. Maraming proyekto na rin ang naisagawa ng CRBC sa iba’t ibang rehiyon sa bansa na nakatulong sa pagpapaunlad ng mga ito. Kabilang dito ang Central Luzon Link Expressway (CLLEX) Phase 1 Package 2, ang Estrella-Pantaleon, at Binondo-Intramuros Bridge.
Target masimulan ng CIC at CRBC ang phase 2 construction para sa CAVITEX C5 Link Segment 2 ngayong Q1 ng 2023 at inaasahang mabuksan ito sa publiko bago matapos ang taon.

Habang ang konstruksyon naman sa Segment 3-B, mula Sucat hanggang E. Rodriguez (RSG Subdivision), ay sisimulan na ngayong Q3 ng taon ayon sa project timeline ng CIC.

Ang CAVITEX C5 Link project ay isang 7.7-kilometer 2×3 lane expressway na magkukonekta sa CAVITEX R-1 patungo sa C5 Road sa Taguig. Oras na mabuksan ito, inaasahang maseserbisyuhan nito ang aabot sa 40,000 sasakyan kada araw at mababawasan nito ang travel time patungong Makati at Taguig mula Paranaque City, Las Pinas City, at probinsya ng Cavite ng 45 minuto.
Ang CIC ay isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC). Bukod sa CAVITEX at C5 Link Segment, hawak rin nito ang concession para sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX), North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark Tarlac Expressway (SCTEX), NLEX Connector Road, at ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.







Leave a comment

Trending