Kampo Heneral Paciano Rizal –Arestado ang 20 personalidad kahapon Marso 11, 2023 sa Anti-Illegal Gambling Operations ng Laguna PNP, sa pamumuno ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO.

Ang kampanya ng Laguna PNP laban sa ilegal na pagsusugal ay maigting na iniimplementa ng kapulisan ng Laguna, sa tulong at suporta ng pamayanan lalong-lalo na ng Barangay Intelligence Network (BIN’s) sa ibat-ibang barangay sa lalawigan ng Laguna.

Nagsagawa ang Laguna PNP ng 11 na operasyon laban sa illegal numbers of games (bookies) at Isang (1) operasyon laban sa other forms of illegal gambling (tong-its) na nag resulta sa pagkaka-aresto ng 17 suspek na sangkot sa illegal numbers games (bookies), habang tatlong (3) suspek naman ay sangkot sa other forms of illegal gambling (tong-its) at kumpiskado din sa mga suspek ang tinatayang halagang Php 14,264.00 na bet-money.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang operating unit at nahaharap sila sa kasong paglabag sa RA 9287 “An Act Increasing the Penalties for Illegal Numbers Games, Amending Certain Provisions of Presidential Decree No. 1602”.

Ayon sa pahayag ni PCol SILVIO “Ang tagumpay ng Laguna PNP sa pagsugpo sa illegal gambling ay tagumpay din ng mga kababayan natin na sumusuporta sa Laguna PNP, ito ay bunga din ng maayos na samahan ng komunidad at kapulisan sa buong lalawigan.” #gtgmayani
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A







Leave a comment

Trending