Kampo Heneral Paciano Rizal –Arestado ang 9 na personalidad kahapon Marso 11, 2023 sa One Day Anti-Illegal Drugs Operations ng Laguna PNP, sa pamumuno ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO.

Ang kampanya ng Laguna PNP laban sa ipinagbabawal na droga ay maigting na iniimplementa ng kapulisan ng Laguna, sa tulong at suporta ng pamayanan lalong-lalo na ng Barangay Intelligence Network (BIN’s) sa ibat-ibang barangay sa lalawigan ng Laguna.

Ang One Day Anti-Illegal Drugs Operations ng Laguna PNP ay nagresulta sa pagkaka aresto ng 9 drug personalities, sa naisinagawa nitong 8 operasyon sa buong probinsiya, kumpiskado naman ang 6.7 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang aabot sa Php 45,560.00 at hinihinalang marijuana na may timbang na 0.5 gramo. Sa kabuoan umabot sa halagang Php 45,620.00 ang nakumpiskang ilegal na droga ng Laguna PNP sa isang araw na Anti-Illegal Drug Operations.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kanya-kanyang operating units ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination. Samantala, nahaharap ang mga naarestong suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO, “Makaka-asa po ang ating mga kababayan na dito sa lalawigan ng Laguna ang kapulisan ay aktibo sa paglaban sa kriminalidad lalo na sa ilegal na droga, ito ay upang masiguro ang kaligtasan at katahimikan sa ating probinsya”. #gtgmayani

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A







Leave a comment

Trending