Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang Streel Level Individual sa kinasang anti illegal drugs buy bust operation ng Santa Maria PNP kahapon Marso 12, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Meraneous residente ng Siniloan, Laguna.

Sa ulat ni PMaj Robin L Martin, hepe ng Santa Maria MPS nagsagawa sila ng anti-illegal drugs buy bust operation kahapon Marso 12, 2023 sa ganap na 10:30 ng gabe sa may Brgy. Kayhacat, Santa Maria, Laguna na nag resulta sa pagka aresto ng suspek matapos magbenta ng illegal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang (2) piraso ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na 3.40 gramo at nagkakahalaga ng Php 5,500.00, isang (1) sling bag na naglalaman ng Php 400.00 at narekober naman sa suspek ang buy bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Santa Maria MPS ang naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination nahaharap ang suspek sa kasong R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio ““Hindi po titigil ang Laguna PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra droga laban sa mga gumagamit o nagbebenta ng pinagbabawal na gamot, maging ito man ay naglilingkod sa ating lalawigan”.#gtgmayani
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A







Leave a comment

Trending