Arestado ang isang 50-anyos na lalaki, tinaguring Most Wanted Person sa CALABARZON, sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit (PIU)-Batangas PPO kasama ang mga tauhan mula sa Regional Intelligence Division 4A-Regional Intelligence Team Batangas, Regional Intelligence Team Cavite, Regional Mobile Force Battalion 4A-403, FSSOL, 3012AISS, 301SMG, 300AISW Philippine Air Force at Batangas City Police Station sa Brgy. Calumpang Lejos, Indang, Cavite dakong alas 12:30 ng tanghali ng Marso 16, 2023.

Ayon sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel PEDRO D SOLIBA kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, kinilala ang akusado na si Elisar Pagsinuhin y Bobadilla alyas Cesar, walang trabaho, tubong Batangas City at kasalukuyang naninirahan sa Indang, Cavite.

Si Pagsinuhin ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na may criminal case number 22-29354 para sa kasong ‘Murder’ na iniisyu mula sa Regional Trial Court, Batangas City noong Nobyembre 7, 2022 na walang inirerekomendang piyansa at criminal case number 19-25406-1924407 para sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na iniisyu naman noong Octobre 18, 2022.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Batangas PPO ang akusado para sa kaukulang disposisyon at return of warrant nito.

“Isa na namang matagumpay na operasyon ang nagawa ng ating kapulisan sa tulong ng ating mga intelligence network. Ano man pong impormasyon ang makakatulong para sa ikadadakip ng mga taong nagtatago sa batas ay ipagbigay alam lamang sa kapulisan. Para sa kaligtasan, kaayusan, at kaunlaran tayo ay magtulungan”. –PCOL SOLIBA #piobatangasppo #TeamPIO







Leave a comment

Trending