Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Rank No. 4 Most Wanted Person Provincial Level sa Manhunt Operation ng Sta. Rosa Pulis kahapon Marso 21, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas Edgardo residente ng Sta. Rosa City, Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL PAULITO M SABULAO, Hepe ng Sta. Rosa City Police Station nagsagawa ang kanilang warrant personnel ng operasyon laban sa akusado ganap na 10:00 ng gabi Marso 21, 2023 sa Brgy. Pooc, Sta. Rosa City, Laguna na nagresulta sa pagkakadakip ng nasabing akusado.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng RTC Br 102 Sta. Rosa City, Laguna na nilagdaan ni Hon. Gil Jude Franco Sta. Maria Jr. Presiding Judge na may petsang Marso 16, 2023 nahaharap ang akusado sa kaso na paglabag sa RA 8353 o “The Anti-Rape Law of 1997” na walang piyansang nirekomenda.

Ang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Rosa CPS agad namang iimpormahan ang pinagmulan ng warrant of arrest sa pagka aresto ng akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO “Tinitiyak po natin na mananagot sa batas ang akusadong ito. Ang Laguna PNP ay patuloy sa layunin na palakasin at palawakin ang mga operasyon laban sa mga nagtatago sa batas. Sa mga kababayan natin dito sa Laguna nawa’y patuloy po tayong magtulungan para sa mabilisang pagkakadakip ng iba pang nagtatago sa batas upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa ating Lalawigan.” #gtgmayani
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A







Leave a comment

Trending