9 na Suspek Arestado sa One-day Anti-Illegal Drugs Operations ng Laguna PNP
Kampo Heneral Paciano Rizal –Arestado ang 9 na personalidad kahapon Marso 25, 2023 sa One Day Anti-Illegal Drugs Operations ng Laguna PNP, sa pamumuno ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO. Ang kampanya ng Laguna PNP laban sa ipinagbabawal na droga ay maigting na iniimplementa ng kapulisan ng Laguna, sa…
Kampo Heneral Paciano Rizal –Arestado ang 9 na personalidad kahapon Marso 25, 2023 sa One Day Anti-Illegal Drugs Operations ng Laguna PNP, sa pamumuno ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO.
Ang kampanya ng Laguna PNP laban sa ipinagbabawal na droga ay maigting na iniimplementa ng kapulisan ng Laguna, sa tulong at suporta ng pamayanan lalong-lalo na ng Barangay Intelligence Network (BIN’s) sa ibat-ibang barangay sa lalawigan ng Laguna.
Ang One Day Anti-Illegal Drugs Operations ng Laguna PNP ay nagresulta sa pagkaka aresto ng 9 drug personalities, sa naisagawang 7 operasyon sa buong probinsiya, nasamsam naman ng mga awtoridad sa mga arestadong suspek ang humigit-kumulang sa 4.71 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang aabot sa Php 32,028.00 at marijuana na may timbang na 0.50 gramo na may halagang Php 60.00.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng kanya-kanyang operating units ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination. Samantala, nahaharap ang mga naarestong suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO, “Ang Anti-illegal drugs operation ng Laguna PNP ay hindi titigil upang mailayo ang ating mga kababayan sa pinagbabawal na gamot lalo na ang mga kabataan sa buong lalawigan ng Laguna." #gtgmayani
by: BONG RIVERA **** QUEZON—Nasawi ang isang barangay kagawad matapos masagasaan ng isang bus habang tumatawid sa Maharlika highway sa… Read more: BARANGAY KAGAWAD UTAS SA BUS
Leave a comment