1–2 minutes

Arestado ang Dalawang Personalidad sa isinagawang Buy-bust Operation ng San Pedro Pulis kaninang madaling-araw Marso 30, 2023.
Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas Frex isang High Value Individual (HVI) residente ng Alaminos, Laguna at Ireneo Newly Identified Drug Personality na residente ng San Pedro City, Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL ROLLY B LIEGEN, Hepe ng San Pedro CPS nagkasa ang kanilang mga operatiba ng buy-bust operation kaninang 3:24 ng umaga Marso 30, 2023 sa Brgy. Landayan, San Pedro Laguna na nag resulta sa pagkaaresto ng mga suspek matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.
Kumpiskado sa mga suspek ang 11 pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na 50 gramo at nagkakahalaga ng humigit kumulang Php 340,000.00, isang (1) Php 1,000 peso bill ginamit na buy-bust money at isang (1) Php 1,000 peso bill drug money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pedro CPS ang mga arestadong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination.

Nahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO “Ang kampanya kontra ilegal na droga ng Laguna PNP ay mas paiigtingin pa upang maaresto o madakip ang iba pang mga drug personalities dito sa buong Lalawigan. Patuloy ko pong hinihingi ang suporta ng ating mga kababayan upang matuldukan na ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot na siyang sumisira sa ating pamayanan, pamilya at lalo’t higit sa ating mga kabataan na siyang pangunahing biktima”. #gtgmayani
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A

SKY BeachCation






March 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending