1–2 minutes

Nasamsam ang nasa tinatayang P746,580.00 halaga ng “shabu” mula sa dalawang high value individual (HVI) sa buy-bust operations na isinagawa ng mga operatiba ng Batangas City Police Station sa Brgy. Cuta, Batangas City.

Sa ulat ni Provincial Director Police Colonel PEDRO D SOLIBA kay PRO CALABARZON Regional Director Police Brigadier General JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, unang naaresto si alyas At-At, 44 na taong gulang, walang trabaho at naninirahan sa nabanggit na lugar, matapos magbenta ng walong heat-sealed transparent plastic sachet ng shabu sa undercover agent ng operasyon na isinagawa ganap na ika-11:00 ng gabi ng Abril 13, 2023. Tinatayang nasa 52 gramo ang mga nakumpiskang sachet ng shabu, ayon sa ulat ng Batangas City Police Station.

Sunod na naaresto si alyas Jasmine, 18 taong gulang, walang trabaho, at residente rin ng kaparehong lugar ganap na ika-1:13 ngayong umaga ng Abril 14, 2023. Nakumpiska naman mula sa kanya ang limang pakete na naglalaman ng nasa 56 na gramo ng shabu.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022” ang mga naarestong suspek.

“Pinupuri natin ang kapulisan sa matagumpay na buy-bust operations. Nagpapasalamat kami sa patuloy na suporta ng publiko para masawata ang iligal na droga. Ano mang mahalagang impormasyon ay huwag kayong mag-atubiling makipag-ugnayan sa awtoridad”. –PCOL SOLIBA #piobatangasppo #TeamPIO

SKY BeachCation






April 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending