1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Dalawang (2) Street Level Individual (SLI) sa isinagawang Buy-bust Operation ng Calamba PNP kahapon Abril 22, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas Joey residente ng Muntinlupa City at alyas Charlene residente ng Calamba City, Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, Hepe ng Calamba City Police Station nagkasa ang mga operatiba ng anti-illegal drugs buy-bust operation sa ganap na 7:55 ng gabi ng Abril 22, 2023 sa Purok 8, Brgy. Real, Calamba City, Laguna na nag resulta sa pagka aresto ng suspek (Joey) matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong (3) pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga (shabu) na may timbang na 7.10 gramo at nagkakahalaga ng humigit kumulang Php 48,280.00, isang coin purse na naglalaman ng Php 400.00, at narekober naman sa suspek ang buy-bust money.

Samantala sa hiwalay na Buy-bust operation ng Calamba CPS sa ganap na 6:05 ng gabi sa may Purok 1, Brgy. Turbina, Calamba City, Laguna naaresto si alyas Charlene matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa police poseur buyer kapalita ang buy-bust money.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong (3) pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga (shabu) na may timbang na 6.35 gramo at nagkakahalaga ng humigit kumulang Php 43,180.00, isang coin purse na naglalaman ng Php 200.00, at narekober din sa suspek ang buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO, “Hindi po titigil ang Laguna PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra droga laban sa mga gumagamit o nagbebenta ng pinagbabawal na gamot, maging ito man ay naglilingkod sa bayan o mga dayuhan sa ating lalawigan.” #gtgmayani
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A



Contact #: 09171180238




April 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending