1–2 minutes

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang vendor matapos maaresto sa buy bust operation sa Ibaan, Batangas bandang 12:30 ng hapon noong Abril 27, 2023.

Sa ulat ni Police Colonel PEDRO DAUPAN SOLIBA, Provincial Director, Batangas PPO kay Police Brigadier General CARLITO M GACES, Regional Director PRO CALABARZON, sa isinagawang buy-bust operation ng Ibaan Municipal Police Station, kinilala ang suspek na si Mansawi Samporna y Daud, 38 taong gulang, married, vendor at residente Rosario, Batangas.

Nakuha ng pulisya ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na walong gramo na nagkakahalaga ng P163, 200.00. at P500 buy-bust money. Sa ngayon nasa kustodiya ng Ibaan MPS ang suspek para sa karampatang pagharap nito sa korte.

“Ang produktibong trabaho na isinagawa ng mga tauhan ng Batangas PPO ay nagpapatunay lamang na masigasig ang ating mga kapulisan sa panghuhuli ng mga lumalabag kontra ilegal na droga. Hangad ng ating Pambansang Pulisya na mabawasan ang krimen na patuloy na lumalaganap sa ating bansa at mas mapanatili ang kapayapaan sa ating lipunan’. PCOL SOLIBA.
#piobatangasppo
#TeamPIO



Contact #: 09171180238




April 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending