2–3 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Dalawang Most Wanted Person Regional Level sa Magkahiwalay na Manhunt Operation ng Calamba Pulis kahapon Mayo 10, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga akusado na sila alyas Randy at alyas Roy pawang mga residente ng Calamba City, Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, Hepe ng Calamba CPS nagkasa ang kanilang mga warrant personnel ng magkahiwalay na manhunt operations. Sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Family Court Branch 8, Calamba City, Laguna na nilagdaa ni HON. AVE A. ZURBITO-ALBA, Acting Presiding Judge na may petsang Mayo 4, 2023 at isinagawa ang operasyon laban kay alyas Randy ganap na 9:45 ng umaga May 10, 2023 sa Brgy. Real, Calamba City, na nag resulta sa pagkakaaresto ng nasabing akusado na nahaharap sa mga kasong Statutory Rape at Acts of Lasciviousness kaugnay sa RA 7610 na walang piyansang nirekomenda para sa kasong Statutory Rape habang Php 108,000.00 naman ang nirekomendang piyansa para naman sa kasong Acts of Lasciviousness.

Sa hiwalay na manhunt operation ng Calamba CPS arestado ang akusadong si alyas Roy ganap na 11:45 ng umaga May 10, 2023 sa Brgy. Lamesa, Calamba City, Laguna isinagawa ang nasabing operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Family Court Branch 8, Calamba City, Laguna na nilagdaa ni HON. AVE A. ZURBITO-ALBA, Acting Presiding Judge na may petsang May 4, 2023 nahaharap din ang akusado sa mga kasong Statutory Rape at Acts of Lasciviousness kaugnay sa RA 7610 na may nirekomendang piyansa na nagkakahalagang Php 108,000.00 habang walang piyansang nirekomenda para sa kasong Statutory Rape .

Ang mga arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS samantalang iimpormahan naman ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkaaresto ng akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO, “Bilang pagtalima sa panawagan ng ating Regional Director PRO CALABARZON, PBGEN CARLITO M GACES at Chief PNP, PGEN BENJAMIN C ACORDA JR, ay patuloy po ang mga operasyon ng Laguna PNP laban sa mga nagtatago sa batas tinitiyak po namin na mabibigyang hutisya ang kanilang mga naging biktima. Sa pagkaaresto ng mga akusadong ito ay pananagutan nila sa batas ang kanilang ginawang paglabag dito.” #gtgmayani
#SERBISYONGNAGKAKAISA
#ToServeAndProtect



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending