1–2 minutes





Arestado ang 45 na personalidad sa One-Day Operational Accomplishments ng Laguna PNP sa pamumuno ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO.

Ang One-Day Operational Accomplishments ng Laguna PPO kahapon Mayo 12, 2023 ay laban sa ilegal na droga, ilegal na sugal, loose firearms, wanted persons at other incident/crime sa buong lalawigan ng Laguna.

Sa Anti-Illegal Drugs Operation, nagsagawa ang Laguna PNP ng 12 na operasyon na nag resulta sa pagkaaresto ng 16 na personalidad, nasamsam sa mga naarestong suspek ang hinihinalang ilegal na droga na may timbang na aabot sa 7.24 gramo ng Shabu at 4.25 gramo naman ng marijuana na may tinatayang halagang aabot sa Php 48,472.00.

Sa Anti-illegal Gambling Operation ng Laguna PNP, nakapagtala naman ng 9 na operasyon laban sa illegal numbers game (bookies) na nag resulta sa pagkaaresto ng 14 na personalidad, habang arestado din ang 9 na suspek na sangkot naman sa other forms of illegal gambling katulad ng Tong-its na kung saan ay kumpiskado sa mga na arestong suspek ang halagang Php 9,567.00 na bet-money.

Sa operation against Wanted Persons, nagsagawa ng 5 na operasyon ang Laguna PNP na nag resulta sa pagka aresto ng isang Most Wanted Person Regional Level sa kasong Qualified Rape, naaresto din ang dalawang City Level na may kasong paglabag sa RA 9165 “Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002” at Batas Pambansa 22 at dalawa naman ang arestadong Other Wanted Person.

Sa kategorya naman ng “Other Incident/Crime” ay arestado ang isang personalidad na nahaharap sa kasong (Theft) pagnanakaw.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO, “Ang layunin po ng inyong kapulisan ay ang ipatupad ang batas sa lahat ng mga lumalabag dito dahil ang Laguna PNP ay walang ibang hangarin kundi ang isang maayos, maunlad, tahimik at payapang pamayanan. Ang Laguna PNP ay walang humpay na magsasagawa ng iba’t-ibang Anti-Criminality Operations biglang pagtalima sa misyon na pangalagaan ang ating komunidad ng naaayon sa mga mithiin at bisyon ng Regional Director PRO CALABARZON, PBGEN CARLITO M GACES at ni PGEN BENJAMIN C ACORDA JR, Chief PNP upang magarantiya ang seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan sa buong lalawigan.” #gtgmayani
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeAndProtect



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending